AMBUS SA TAPAZ — LIMA ANG KASWALTI SA TROPA NG MILITAR

BREAKING NEWS | ABRIL 22, 2016

AMBUS SA TAPAZ — LIMA ANG KASWALTI SA TROPA NG MILITAR
ISANG AMBUS GAMIT ANG COMMAND-DETONATED EXPLOSIVE ANG ISINAGAWA NG ISANG YUNIT SA ILALIM NG JPEC, NPA-CENTRAL PANAY LABAN SA 15-TAONG NAG-OOPERASYONG TROPA NG 31ST DIVISION RECONNAISSANCE COMPANY (DRC) SA SITYO ABANG-ABANG, ACUNA, TAPAZ, HANGGANAN NG CALINOG, ILOILO AT TAPAZ, CAPIZ, BANDANG ALAS KWATRO NG HAPON NG ABRIL 21, 2016. BATAY SA PANIMULANG ULAT, TINATAYANG 5 ANG KASWALTING NATAMO NG KAAWAY.
ANG TROPANG NG 31ST DRC NA NAAMBUS AY BAHAGI NG PWERSANG PANGSEGURIDAD SA DALAWANG PROYEKTONG MEGA DAM SA ILOG JALAUR AT ILOG PAN-AY NA MARIING TINUTUTULAN NG KATUTUBONG TUMANDOK. ANG LUGAR NG AMBUS AT MALAPIT MISMO SA GINAGAWANG DRILLING OPERATION KAUGNAY NG FEASIBILITY STUDY NG MEGA DAM SA ILOG PAN-AY.
NAPAG-ALAMAN DIN NG JPEC NA ISANG HARASSMENT OPERATION GAMIT ANG COMMAND-DETONATED EXPLOSIVE ANG INILUNSAD NG ISANG YUNIT SA ILALIM NG NONITO AGUIRRE COMMAND, EASTERN FRONT LABAN SA NAKAHIMPIL NA TROPA NG MILITAR NOONG GABI NG ABRIL 20, 2016, WALA PANG 24 ORAS BAGO ANG PANIBAGONG AMBUS.
KAPANSIN-PANSIN NA PARANG PIPI ANG PAMUNUAN NG MILITAR SA PANAY, LALUNA ANG KANILANG SPOKESPERSON NA SI LT. COL. REY TIONGSON, SA DALAWANG MAGKASUNOD NA OPENSIBANG AKSYON NG NPA. MALAPIT NA SA 48 ORAS AT WALANG KAHIT ISANG SALITANG PINALABAS ANG MILITAR SA MIDYA.
KA JURIE GUERRERO
TAGAPAGSALITA
JPEC, NPA-CENTRAL PANAY