NPA-platoon-interaksyon

HINGGIL SA KAY “MHE ANTHON HAGUTIN” AT “MHE ANTHONETTE DUHAC”

URGENT ADVISORY #2

Mga Kasama at mga Kaibigan,

Rebolusyonaryong pagbati!

Kasalukuyang pinag-aaralan ng JPEC NPA-Central Panay ang tunay na katangian ni “Mhe Anthon Hagutin” at “Mhe Anthonette Duhac”. Ang “Mhe Anthon Hagutin” ay nagpapalabas ng mga pahayag gamit ang Sergio Lobina Command nga NPA-Eastern Samar. Sa panimulang pag-aaral ng JPEC sa mga pahayag ni “Mhe Anthon Hagutin” na kasalukuyang naka-post  sa kanyang FB account lumalabas na malamang na ito ay isang impostor.  Ang totoong spokesperson ng  NPA Eastern Samar Provincial Operations Command o Sergio Lobina Command ay si Rubio Manggubat. Makikita ang mga pahayag nito na naka-post sa Philippine Revolution Web Central (PRWC). Mapapansin na wala ni isang pahayag ni Rubio Manggubat ang ni-link ni “Mhe Anthon Hagutin”. Ganun din, wala ni isang pahayag na inilabas ni “Mhe Anthon Hagutin” sa kanyang FB account na naka-post sa PRWC. Ang “Mhe Anthonette Duhac” ay maaring other FB account ni “Mhe Anthon Hagutin” o kanyang kasabwat. Maraming mga statements at pictures ang ini-share ng dalawang ito mula sa JPEC posts. Habang patuloy pang pinag-aaralan ang tunay na katangian ng dalawang ito, minabuti ng JPEC na i-unfriend sila upang hindi patuloy na magamit ang mga posts ng JPEC sa kanilang pakinabang.

Pinag-aaralan din ng JPEC ang posibleng paggamit ng mga “extortion syndicates” sa Facebook upang makapagpanggap na isa yunit ng NPA o may kaugnayan sa NPA upang humingi daw ng tulong para sa rebolusyonaryong armadong kilusan. Ginagamit nga mga grupong ito ang mga naka-post na pahayag, pictures, videos ng CPP-NPA-NDF sa internet upang ipalabas na bahagi sila nga rebolusyonaryong armadong kilusan. May isang Facebook friend na nagpaabot ng ganitong pangyayari bagamat patuloy pa itong pinag-aaralan. Upang mapabilis ang pag-aaral at ma-expose sa maagang panahon ang mga kriminal na gawain ng mga grupong ito, hinihingi namin ang inyong tulong sa pamamagitan ng pagbigay ng impormasyon.  Maaring ipadala ito sa email address na: [email protected]  o ipadala bilang attachment sa private mail ng Facebook.

Maraming salamat  at mabuhay kayo.

Ka Jurie Guerrero
Spokesperson
Jose Percival Estocada, Jr. Command (JPEC)
NPA-Central Panay