npa march flag01

MGA IMPOSTOR NA NPA SA SOCIAL MEDIA

9/5/2015 10:11 AM

Mga Kasama,

Maalab na pagbati!

Amin napag-alaman na may ilang Facebook account na gumagamit ng pangalan ng NPA o nagpapanggap na bahagi ng rebolusyonaryong armadong kilusan. Ginagamit nila ito upang linlangin at lituhin ang mga inosenteng sibilyan at ang masahol sa lahat maaring ginagamit nila ito sa mga extortion na gawain. May ilang Facebook account na nagpaabot ng impormasyon na hinihingan sila ng pera dahil may sugatan daw na kailangang ipagamot. May isang nagbigay ng P5,000.

Upang makapagpapanggap ginagamit nila mga posts sa internet ng CPP-NPA-NDF (logo, statements, videos, etc) at may isang Facebook account (“Mhe Anthon Hagutin”) na nagpapalabas ng pahayag sa pangalan ng Sergio Lobina Command ng Eastern Visayas.

Nang malaman ito ng JPEC kaagad itong nagpalabas ng mga advisories upang ma-expose ang mga impostor na ito na positibo naman tinanggap ng mga friends sa social media.

Minumungkahi kong magpalabas ang NDFP at NPA at/o ang kaukulang kumand sa Eastern Visayas ng pahayag tungkol sa bagay na ito.

Nasa attachment ang ilang impormasyong nakuha sa social media kaugnay sa usaping ito.

Hanggang dito na muna. Mabuhay kayo!

Sa pakikibaka,
Ka Jurie